Namataan ng alas-kuwatro ng hapon, September 24, si Vina Morales sa third floor ng lumang building ng ABS-CBN. Nandoon ang singer-actress para sa exclusive interview sa kanya ng The Buzz, kung saan inamin niya publicly ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Nakasuot na puting damit si Vina at hindi pa masyadong halata sa kanyang katawan ang kasalukuyang kalagayan niya habang ini-interview ni Cristy Fermin. Masaya ang aura ni Vina at feeling blessed naman daw siya dahil hindi niya nararanasan ang morning sickness na tinatawag sa mga nagdadalatang-tao ‘tulad ng pagsusuka at pagkahilo.
Dalawang buwan na ang dinadala ni Vina sa kanyang sinapupunan.
Ipinaliwanag din ni Vina sa panayam sa kanya ng The Buzz ang relasyon niya sa ama ng dinadala niya na si Cedric Lee. Kumplikado kasi ang katayuan ni Cedric dahil bagamt hiwalay na ito sa kanyang asawa ay hindi pa annulled ang kanilang kasal.
Sinamahan ng Star Magic executive na si Ms. Mariole Alberto si Vina sa naturang panayam. Nasa pangangalaga na kasi ngayon ng talent arm ng ABS-CBN ang singer-actress.
Kagabi, September 24, napanood si Vina na naglaro sa Kapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino. Kasama ni Vina ang bunsong kapatid niya na si Shaina Magdayao at ang iba pang mga kapatid at pamangkin niya. Hindi nila kasama ang kanilang ina na si Mrs. Dianne Magdayao, na napabalitang umalis sa kanilang bahay diumano ilang buwan na ang nakararaan.
Kararating lang ni Vina mula sa Japan noong Lunes, September 23, para sa The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN. Kasama niyang nag-perform doon sina Sam Milby, Chokoleit, at Erik Santos. Dito unang umamin at nagkuwento si Vina sa kaibigang singer ng kanyang pagbubuntis.
credits to:
Julie Bonifacio
pep.com
Leave a comment